balita ngayon
November 06, 2017
Taga suporta ng Pangulo,Nababawasan na ayon sa SWS survey.
Bumababa na umano ang mga naniniwala at umaasa sa Pangulong Duterte na matutupads nito ang kanyang mga pangako noong panahon ng eleksyon. Isa na dito ang pagsugpo sa ilegal na droga na hanggang ngayon ay namamayagpag pa din sa bansa.
Ayon sa SWS survey, tatlo sa bawat sampung Filipino na lamang ang naniniwala na matutupad ni Pangulong Duterte ang mga bagay na ipinangako nito sa taumbayan lalu na sa mga tagasuporta nito.
Noong MArso ay nasa mahigit 50% ang naniniwala sa pangulo ngunit nang isagawa ng SWS ang naturang survey ay bumagsak ito sa 35%.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Roque ay walang kataka-taka umano sa resulta ng survey dahil pagkatapos ng eleksyon ay nagiging realistiko na ang mga tao at ganito din umano ang nangyari sa mga nakalipas na administrasyon.
"we find nothing unusual in the drop of those who expect that he would fulfill promises as the euphoria of the elections normally wears off after a year in office"
Ayopn pa kay Roque ay mas mahalaga na nananatiling kontento ang mga Filipino sa pamamalakad ng Pangulo sa gobyerno.
loading...