Sa isang mensahe na ipinost ni Mocha Uson sa kanyang sariling facebookpage na galing ky Sen. Kiko Pangilinan ay makikita sa nilalaman nito ang pagtatanggol ng Senador sa mga media kaugnay ng naging pahayag ng PAngulong Duterte sa mga ito na hindi umano patas sa kanilang pagbabalita.
"Ang ating demokrasya at kalayaan ay mas higit na tumitibay kapag nariyan ang malayang pamamahayag.Maaaring hindi sanay ang Pangulo sa mga batikos mula sa media dahil sa kanyang karanasan bilang mayor ng Davao ngunit iba ang usapan kapag buong bansa na ang ginagalawan nya.Kasama sa ating demokrasya ang pambabatikos ng media.Marami na ang pangulo ng bansa ang nakipag-girian sa media.Wala na ang mga ito sa Malakanyang ngunit nariyan parin ang media," ang buong pahayag sa sulat ni Pangilinan.
Dahil dito ay bumira naman ang masugid na taga suporta ng pangulo na si Mocha Uson kaugnay sa mga sinabi ni Kiko Pangilinan kay Pangulong Duterte.
"Ganito pa rin kaya ang saloobin ni Sen.Pangilinan kung sila ang tinitira ng media?Kung sa kanila hindi patas ang pagbabalita ng media?Sir,you talk about Democracy pero kayo po ay isa sa mga umatake sa social media using 'fake news' as an excuse.Yan ang hirap eh,kapag kampi sa inyo ipinagtatanggol nyo at doon nyo laging ginagamit ang salitang 'demokrasya' pero kapag kontra sa inyo dinedescredit nyo at ginagawa nyo ang lahat para mawalan ng boses," pahayag ni MOcha Uson sa kanyang naging post sa sarili nyang page.
No comments:
Post a Comment