Your Source of Reliable News

loading...

Breaking

VP Robredo Humihingi ng pagkakataon sa netizen na ipakilala muna ang kanyang sarili bago sya husgahan



Labis ang nadaramang lungkot ni VP Robredo dahil sa nararanasan ngayong pambubush ng ilang netizen na galit na galit sa kanya sa social media.

Pahayag nya sa kanyang panayam kay Ted Failon sa DZMM na ikinalulungkot nya na hindi sya nabibigyan ng pagkakataon para ipakilala muna ang kanyang sarili sa taong bayan.Ayon pa sa kanya na hinuhusgahan sya sa paraang hindi makatarungan.

"Nalulungkot ako dahil hindi ka binibigyan ng pagkakataong ipakilala ang sarili mo,hinuhusgahan ka sa isang paraan na hindi naan makatarungan..Madalas tinatanong ko sa paggising ko sa umaga, ano ba tong pinasok ko,"pahayag ni RObredo.

Sinabi din ni Robredo na naghahanda na  magsampa ng kaso ang kanyang abogado laban sa mga naninira sa kanya at sa kanyang namayapang asawa.

"Alam naman natin kung sino yung behind dito.Dahil nagcocover sila sa anonymity,it will take time to prove kung sila nga ito.Mayroon na kaming mga abogado na tinitingnan ito,seryosong  pinagiisipan mag-file ng kaso laban sa kanila," dagdag pa ni RObredo.

Hanggang ngayon ay nagtutulong tulong ang kanyang mga abogado sa paghanap ng mga ebidensya para kasuhan ang mga nasa likod nito.


No comments:

Post a Comment