Your Source of Reliable News

loading...

Breaking

Watch: Nagviral na Video ng isang Vendor na nagbebenta ng Recycled Tokneneng-Nahuli na!


 Matapos na magviral ang video ng isang vendor na nagrerecycle ng tokneneng upang ibenta ulit sa may Baclaran ay agad na nagkasa ng operasyon ang City Government upang inspeksyonin ang mga vendor na ngtitinda sa kahabaan ng Baclaran.

 May ilang vendor ang isinama ng mga awtoridad at maya maya pa ay nakita din si Manong, ang lalaking nasa video.

 Paliwanag naman ng lalaki na ok pa naman daw ang mga kwek kwek at hindi pa iyon sira.

 Sinabi naman ni Atty.Dean Soriano,City Administrator ng Paranaque ay dapat umano na alam ng mga vendor ang kalusugan na nararapat sa mga tao sa pagbebenta ng mga kakanin tulad ng kwek kwek.

 Reklamo naman ng ilang vendor na nagtitinda din sa nasabing lugar ay maari daw na pati sila ay madamay sa maling ginagawa ng iba.

 Matapos ang insidenteng ito ay nagpaalala naman ang mga eksperto na dapat umano na maging mapanuri sa ating mga kinakain lalo pat ngayoy taginit dahil sa maaaring maging kontaminado ang mga ito na maaaring makapag dulot ng acute gastroentritis.

No comments:

Post a Comment