Isang Lycean student ang nagbabala sa mga estudyante ng Lyceum kaugnay ng naranasan nya kanina lamang.Ayon sa isinalaysay ng dalaga,may namissed syang exam at nais nya itong ma-itake kaya naman tinawagan nya ang kanyang Prof. para pagusapan ang nasabing exam.
Dahil sa may meeting pa daw ang kanyang Prof. ay pinapunta sya sa isang reastaurant upang doon sila magkita at magusap tungkol sa exam. Ngunit pagdating nya doon ay ganito ang nangyari...
Salaysay ng dalaga:
To my fellow lyceans particularly ladies,
I will share to you what happened to me a while ago. Please mag-ingat kayo sa mga ganitong klaseng professors. Wag nyo hahayaan na sirain nila pagkababae nyo.
So this is what happened...
Nagtext ako sakanya nung umaga para mag completion ng namissed ko na exam. Nagreply sya ng, "pls call". Tumawag ako sakanya at ang napag usapan namin, pupunta ko sakanya sa Alex III Restaurant along Matalino st. kasi baka hindi na daw sya magpunta sa school dahil may meeting pa sya at sabi nya dun din yung law office nila, naisip ko din na baka busy sya at isisingit nya lang ako sa sched nya kasi attorney sya at sa senate nagtatrabaho kaya okay, pumayag na ako. Pagdating ko dun, pinapakain nya ako dun sa restaurant, sabi ko naman, wag na, kasi busog pa naman ako. Tapos sinabi nya, sa school nalang daw ako magexam, sumabay na daw ako sakanya. Tumanggi ako kasi nahihiya ako at pangit nga tingnan na kasabay ko prof ko sa sasakyan nya, pero mapilit sya, pumayag na din ako kasi less hassle nga naman at di mainit. So ayun. Habang nasa sasakyan kami...
Non-verbatim
H: Ano bang palayaw mo?
M: Machi po.
H: Machi nalang tatawag ko sayo. Oh ano bang plano mo? Gusto mo mag exam?
M: Opo sir, sayang naman kasi yung ireretake ko pa, eh eto lang naman po yung namiss ko.
H: Nako, mahihirapan ka sa exam, at babagsak ka.
M: Bakit naman po? Nagbasa basa naman ako kanina ng konti.
H: 1-70 items yun. Puro essay. Memory work.
M: Grabe naman yun sir. Dalian nyo naman po ng konti.
H: Eh pano nga? Wag ka na mag exam?
M: Kung pwede lang po eh kaso baka babagsak ako nakapagexam. Mag eexam po ako sir, itatry ko po.
H: Nako, babagsak ka talaga. Tell me what you want. Give me some proposal para mapagusapan natin. Lets vault in.
M: (Tahimik na ako kasi kinakabahan na ako, parang alam ko na yung gusto nya mangyari.)
H: Oh pano balak mo? Gusto mo wag ka na mag exam, mag date nalang tayo. Kasi pag nag exam ka, babagsak ka at ibabagsak kita.
M: La, date talaga sir? Pangit naman non.
H: (di na sya sumagot)
M: (nagcellphone na ako at tinext ko boyfriend ko kasi kinakabahan na ako.)
H: San gusto mo kumain?
M: wag na sir, derecho nalang po tayo sa school kasi baka di ko na po maabutan ojt expo.
H: Kain muna tayo, o gusto mo dun nalang sa taas kumain. Order tayo.
M: Saang taas sir?
H: (di na sumagot, sabay kinanan yung kotse sa basement parking ng SOGO Banawe. Buti may kotse sa harap namin na di umaabante kaya nasa bungad pa kami)
M: (sobrang kaba na ko kaya nagpatawag ako sa bf ko, sabi ko sabihin nya sakin naaksidente kunwari mami ko. Kasi hindi ko talaga alam kung pano ako makakababa sa sasakyan. Ayoko din naman magsalita ng di maganda kasi baka magalit sya at kung ano pang gawin sakin, lalo akong mapapahamak kaya kalma lang ako kahit nanlalamig na ako sa kaba.) Sir, naaksidente daw po yung mami ko, kailangan ko pong umuwi na. Bababa na po ako.
H: hala. Saang hospital? Ihahatid na kita. (sabay atras ng kotse)
M: wag na sir. Magpunta na po kayo sa lyceum. Kaya ko na po.
H: hinda, ihahatid na kita sa may fishermall.
M: (naiiyak na sa sobrang takot)
H: tingnan mo muna kalagayan ng mommy mo, tapos text mo nalang ulit ako kung kelan ka pwede para maiencode ko na din yung grade mo.
M: sge sir. Bababa na po ako.

Di ko alam na makakaencounter ako ng ganitong klaseng tao. Kung sino pa yung may pinag-aralan sila pa yung ganitong ang ugali. Di bale ng bumagsak ako sir, wag lang masira pagkababae ko. Mag paalam ka na sa lyceum kasi makakarating to kay VPAA, pwera nalang kung di sila maniniwala sakin at itotolerate nila ang ganitong klaseng professor. Please students, wag nyo hahayaan na mangyari to sainyo, alam ng mga punyetang prof na yan na may kailangan tayo sakanila kaya ginaganito nila tayong mga students. Kunwari pang concern ang mga hayup na yan, isa lang naman gusto nila. Mga tigang!!!
No comments:
Post a Comment