Your Source of Reliable News

loading...

Breaking

MAGDALO Rep.Alejano sinabing hindi kayang protektahan ng Pangulong Duterte ang bansa.



  Sa isinagawang presconference ni Magdalo Representative Gary Alejano kanina kasabay ng pagahahain nito ng pangalawang supplemental impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte ay ipinahiwatig nito sa kanyang mga sinabi na hindi kaya ng pangulo na protektahan ang bansa.

  Giit nya sa kanyang unang pagsasalita sa prescon ang kawalan ng aksyon ng Pangulo tungkol sa isyu sa Benham Rise at sa ating teritoryo na nasa west Philippine sea.Dahil dito ay nais ng kamppo ni Alejano na papanagutin ang pangulo.

  Sinabi ni Alejano na ang pagpunta ng pangulo upang ayusin ang sigolot tungkol sa pinagaagawang west Philippine sea at makakuha ng mga investment mula sa China ay kapalit ng pananahimik at kawalan ng aksyon sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine sea.

 Ito daw ay may direktang implikasyon sa national interest at national security, ito daw ang dahilan kung bakit tahasang pinasok ng Chinese service ship ang Benham Rise sa isang kwestyunableng layunin maliban sa freedom of navigation .

 Binanatan din ni Alejano ang sinabi ni Pangulong Duterte noong eleksyon na uutusan ng pangulo ang Philippine Navy na dahil sya sa West Philippine SEa, magjejetski  papuntang Spratly at magalalagay ng bandila ng Pilipinas upang patunayan na ang nasabing teritoryo ay pagmamayari ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment