Your Source of Reliable News

loading...

Breaking

Death Penalty Para Lang sa mga Mahihirap- Robredo



 Ito ang paniwala ni Vice President Leni Robredo kaugnay ng resulta sa naging botohan sa Death Penalty Bill sa mababang kapulungan ng kongreso na may botong 217 ang YES habang 54 naman ang NO at isa ang abstension na isinagawa kamakalawa.

Ayon sa kanyang talumpati sa ginanap na Womens Day Forum sa Miriam College kahapon na ang nasabing panukalang kamatayan ay umanoy 'anti poor',dahil sa kanyang mga nakita sa kasaysayan na tanging mga mahihirap lamang daw ang naisasalang sa parusang kamatayan.

"Iyong mga mahihirap kasi,sila iyong walang access sa mga mahuhusay na abogado.Sila yung walang access sa mahuhusay na depensa.Mayroon na na sa ating mayaman na nag-undergo ng kamatayan na pinataw ng korte?Wala.Sa akin it is anti-poor," wika ni Robredo.

Ayon pa sa VP ay kailanagan na pagbayaran ng mga nakagawa ng krimen ang kanilang mga kasalanan subalit hindi sa paraang papatayin ang mga ito.Dahil para sa kanya ay may pagkakataon pa para magbago ang mga ito.

Ipinahayag din ni Robredo ang kanyang naging saloobin dahil minadali daw umano ang panukalang kamatayan at hindfi ito dumaan sa tamang proseso.