Your Source of Reliable News

loading...

Breaking

Death Penalty sa Drug related cases Lusot na sa ika-2 pagbasa sa Kamara.



Paulit ulit na tinangka ng mga kontra Death Penalty na magpasok ng ammendment o pagbabago para burahin ang kamatayan bilang parusa.Ngunit pauli ulit din itong ibinasura ni Justice Committee Chair person Rey Umali,sa huli nag labas si Umali ng Omnibus rejection o isahang rejection nalang sa lahat ng magiging kaparehong pagtutol.

Kontra daw kasi ito sa intensyon ng panukala at nakakaubos raw ng oras.

Ayon naman sa ibang mambabatas na kontra Death Penalty-

"The inordenate rail roading of the death penalty bill would only showed that we have a chamber of bullies and puppets.They have killed our constitutional right to freely express our views," wika ni Rep.Edcel Lagman (Albay-Anti Death Penalty)

" I called this 'the bicol express' ...Malinaw na malinaw na they didn't even want to debate they didn't even want to entertain questions,they were in a hurry to approve it," pahayg ni Rep. Lito Atienza (Buhay PArty list-Anti Death Penalty)

Mula sa naunang listahan ng 21 krimen,nga krimeng konektado sa droga nalang ang pwedeng patawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection,hangging o firing squad.

Mula P500.000 to M10 na multa sa pagangkat,pagbebenta,pagtarnsport at pagdestribute ng droga at mga sangkap nito,pagmaintain ng lugar kung saan pede gumamit o magbenta ng droga at pagmanufacture ng droga at essential chemicals nito.

Ang kaso naman para sa possession of Dangerous Drugs ay hindi kamatayan kundi habang buhay na pagkakulong ,Reclusion Perpetua at multa na umaabot sa 500,000 hanggang P10M.