Your Source of Reliable News

loading...

Breaking

P-noy bibisita kay De Lima



Nagpahayag kahapon na bibisita ang kampo nila Noynoy sa kanilang kaalyadong si Senadora Leila de Lima.

Tungkol dito ay wala naman nakikitang mali o problema si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa kung sakali man na matuloy ang pagbisita ng kampo nila Pnoy sa Senadora na ngayoy nasa PNP Custodial Center sa Camp Crame,Quezon City.

Kaugnay nito ay sinabi din ni Dela Rosa na wala pa naman sya umanong natatanggap na sulat mula sa kampo ng dating Pangulong Aquino upang humingi ng pahintulot saa kanilang pagbisita kay De Lima.

Kung sakali man na makakatanggap ng sulat mula sa kampo ng Dilaw ay ipinaubaya na ito ni De la Rosa kay P/Chief Supt. Philip Ghil Phillips,direktor ng Head Quarters Support Service (HSS) upang maisaayos ang pagbisita at mapatupad ang kaukulang protocol para sa dating Commander-in-Chief na si Aquino.

Nasabing sa 26 na high profile inmate sa PNP Cutodial Center ay si Senadora Leila de Lima ang nagiisang babae at kasalukuyang nakapiit din ang kanyang ipinakulong mismo sa kasong plunder ang dating senador na si Bong Revilla at Jinggoy Estrada.