Your Source of Reliable News

loading...

Breaking

Ilang International Group nagkaisa para tulungan si De Lima na Palayain



Ilang International group ang nagsamasama kabilang din ang ilang lupon ng mga huwes at abogado sa buong mundo upang gumawa ng hakbang upang mapalaya sa pagkakakulong ang Senadorangg si Leila De Lima.Tumututol ang mga grupong ito sa pagkakakulong ng senadora dahil ito daw ay hindi makatarungan.

Sa inilabas na sulat mula sa International Commission of Jurists, grupo ng mga huwes at abogado sa buong mundo na nakabase sa Geneva,na ang sulat na ito ay nagbibigay ng proteksyon sa karapatang pantao sa pamamagitan ng rule of  law, ayon sa sulat na kailangan na umanong itigil ng kasalukuyang administrasyon ang anumang harassment laban kay De Lima at maging sa iba pang tumutuligsa sa ilalim ng Duterte Administration.

"The ICJ calls on the Philippine Government to immediately release Senator De LIma and immediately stop any further acts of harassment against her and other public critics of the government," wika ni Regional Director for Asia and the Pacific Sam Zarifi.

Iginiit naman ng global judges and lawyers na ang mga kasong isinampa laban kay De Lima na may kaugnayan sa droga ay mga 'fabricated,politically motivated at isang judicial persecution ang mga kasong isinampa kay De lima.