Your Source of Reliable News

loading...

Breaking

Leila de Lima naglabas ng sama ng loob: Hindi magtatagumpay ang kasamaan



Inilabas ng Senadora ang kanyang sama ng loob sa pamamagitan isang hand written letter kaugnay ng tinatawag nitong 'injustice' ng kasalukuyang administrasyon hindi lamang sa kanya maging pati na rin umano sa iba pang nabiktima ng inhustisya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Batay sa kanyang isinulat para sa kanyang mga mahal sa buhay ay isinaad nito na sa kabila ng paghaanda nya sa kanyang sitwasyon ngayon ay patuloy parin na nagi ngibabaw sa kanyang katauhan ang paghingi ng hustisya at katotohanan.

"My heart also bleeds for all other victims of injustice those who were falsely accuse and now cramped in severely congested jails," ilang talata mula sa liham na isinulat ng senadora.

Ayon pa sa kanyang sulat na hindi umano magtatagumpay ang kasamaan at mangingibabaw din ang kabutihan kayat nananawagan sya sa mga kaanak,tagasuporta at sa buong sambayanan na manatiling matatag at mapagbantay sa mga kaganapan.

Sa kasalukuyan ay nakapiit si Senator De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame kasama ang ilang high profile inmate tulad ni dating senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada na kanya mismong ipinakulong sa kasong plunder.